NURSE.


Bachelor of Science in Nursing.
Pinili ko ang kursong ito dahil
  • Gusto ko ang amoy ng isang ospital
  • Gusto kong makatulong sa mga taong nagkakasakit. (Lahat yata ng bata sinabi yan?)
  • Gusto ko magsuot ng putting uniporme.
  • In demand ang nursing sa time na yon.(2008)
Masyado yatang babaw ang mga dahilan ko. Hindi ko din lubos maisip kung bakit ko nga ba pinasok ang kursong ito? Bago ako magenrol ng college, tatlong kurso ang pinagpipilian ko, Nursing (choice ko talaga),  Industrial Engineering (Gusto ni Papa para sa akin), HRM/Tourism (isa pang choice ko). Common ang mga course na iyan diba? Pero isa lang talaga yung pinagsikapan ko diyan, yung Nursing. Pinagdasal ko na kung ano man yung mapili ko sana yun na talaga yung para sa akin.


Bilang isang fourth year student noon, ang hirap pumili ng course at ang hirap pumili ng university na papasukan. Pero dahil probinsyana ako, (nakatira kami sa cavite), at konserbatibo ang magulang ko, alam ko hindi nila ako papayagan mag Maynila. Isa lang ang alam kong university na malapit sa amin noon. Ang De La Salle University – Dasmarinas. Ako mismo ang nag ayos ng mga papel ko, yung mga requirement. Hindi ko naranasan na samahan ako ni Mama sa school para sa pagpasa ng requirement. Sobrang nahirapan ako doon, natandaan ko pa noong umuwi akong umiiyak kasi hindi ko naihabol yung bayad sa academic folder. Hindi alam nina Mama un. Nagtake ako ng entrance exam, sobrang kabado ako. Pero ayun, pumasa. Good for interview na daw. Ako lang din magisa dun sa interview.

Hindi ko namalayan, mageenroll na pala ako. Ang bilis ng oras, pero sa mga oras na iyon, hindi ako nakalimot humingi ng gabay sa Panginoon. Paulit-ulit kong binabanggit sa panalangin ko na “Lord, kung hindi ito yung gusto niyo para sa akin, iparamdam niyo lang po.” Palaging ganon. Hanggang sa makaabot ako sa punto na may mga subject na sobrang hirap talaga, Chemistry at Anatomy. Akala ko babagsak na ko non, pero nanalangin padin ako. Na kung hanggang dun na lang, matatanggap ko. Pero pumasa ako.

Hindi madaling pumasa sa Nursing, lalo na kapag sa La Salle, may quota grade kasi kami. Kailangan hindi babagsak sa grade na un ang lahat ng major subject namin. Kung hindi, tsugi ka. Mawawala ka ng parang bula sa school. Ganon! Kaya sobrang aral talaga ako. At samahan mo pa ng napakamahal na tuition. Tsss.

Eto na ngayon, graduate na ko. Hindi ko lubos maipaliwamnag ang pakiramdam na nalampasan ko lahat ng pagsubok, mahirap na uiz at exam, matinding pagod sa duty at pagccram sa cases for PRC. Hindi ko din alam kung paano ako magpapasalamat sa lahat ng taong tumulong sa akin para makamtan ko ang tagumpay na ito. Sa mga magulang ko, Mama at Papa. Higit sa lahat sa Panginoon.



Ang pagtatapos na ito ay ang pagsisimula na naman ng isang bagong pahina sa buhay ko. Magrereview ako para sa board exam ng halos 3 buwan. Sana makapasa ko at maituloy ko ang pangarap ko bilang isang Registered Nurse. Yan ay aabangan natin sa susunod na kabanata. (HAHA Parang familiar yung line na yon?)

Extra na lang nitong walang kwenta kong creative shot HAHA. :)

With love, DYS. 

Comments

Popular Posts