Friendship never ends in graduation.
WARNING: Medyo MAHABA AT
MADRAMA ang post na ito.
Isa lang akong normal na
estudyante noon pumasok ako ng kolehiyo. Nagaatubili pa nga ako sa eskwelahan
na pinili ko dahil karamihan sa barkada ko noong high school ay hindi sa pinili
kong school nag-enrol. Halos lahat ng kaibigan kong babae na tumuloy ng high
school ay mas piniling pumasok sa Lyceum Cavite, habang ako ay naglakas ng loob
na pumasok ng Nursing sa De La Salle University – Dasma. Naging madali sa akin
ang first day, sa iisang school lang naman din kasi kami pumasok ng boyfriend
ko, kaya kahit papano nakakaadjust ako habang wala pa akong kilala. Nakaadjust
na siya agad kasi may classmate kami noong highschool na classmate niya din sa
college. Kapag breaktime nakakasama ko siya at pati na kung sabay kami umuwi.
Pero nagbago na simula noong may mga nakilala at nakaclose na ko sa mga
classmates ko. Pagdating ng second year lumipat kami sa kabilang campus, yung
pang medical courses, De La Salle Health Sciences Institute. Dito, mas marami
pa akong nakilala. RLE Friends, New Set of Tropa / Barkada at kung sino-sino pa
kasi nagreshuffle ng mga section halos every semester. Aminado naman ako, hindi
ako friendly pero nagpapasalamat ako na may mga taong LUMAPIT at sinubukang
makipagkaibigan sa akin. Kaya ang post na ito ay hinahandog ko sa mga taong may
malaking parte sa college life ko. Marahil kung hindi dahil sa kanila, hindi
ako makakapasa sa Chemistry, ibabagsak ko ang Anatomy, magiging outcast ako at
higit sa lahat, HINDI MAGIGING MAKULAY ANG BUHAY KOLEHIYO KO.
MAMAS
(L-R) Phoenix, RD, Jenel, Me, Cha
(L-R) Phoenix, Me, RD, Jenel, Aki
Sila ang mga kauna-unahan
kong kaibigan sa La Salle. BSN1-8 pa ako noon. Pareho-pareho kami ng ugali
nitong mga taong toh. Si Phoenix,
yung nagiisang lalake naming, palagi yang late at hindi niya makakalimutan yung
MAHABANG PAYONG na kulay itim. Palagi niyang dala un! Si Cha, kapatid ko yan. Magkamukha
daw kasi kami. Sayang nga lang at hindi na niya ituloy ang pagnnursing. Miss na
kita Cha. Lalo na ang pagssolve mo ng chemistry assignment ng MAMAS. Si Aki, tawa ng tawa, ayaw
mag-aral pero sa quiz pasado. Yan si Aki. Lagi na lang sila naguusap ng anime
ni Phoenix. Sayang at kailangan mong lumipat ng school! Si Jenel, dyosko! Wala akong masabi
dyan. Sobrang tahimik nan. Pa-girl! HAHA. Pero sobrang talino din nan. At
panay ang tawa. Wala ng ginawa kundi tumawa. Si RD, flat chested, haha tawag sa
kanya ni Phoenix. Pero joke lang, etong babaeng toh sobrang lapit nito sa akin.
Konting titig ko lang sa kanya alam na niya ibig kong sabihin. Partner in crime
ko toh. Wala na kaming ginawa kundi tumawa habang nagrereview yung ibang
MAMAS. PERO BAKIT NGA BA MAMAS? Napaisip din ako. :)
PEKS
(L-R) Me, Cha, Leona, Nimae
Madaming section ang
nalampasan ko bago ako ulit nakakilala ng isang masayang mga kaibigan ulit.
Sila ang PEKS. Si Cha, Nimae at Leona. Di ko alam pano kami naging peks eh,
hindi ko din alam pano ko nakasama sa group na ito. Pero sobrang masaya ko
kasama itong tatlong babae na ito. Sa kanila ko nai-share yung mga past
experiences ko, yung buhay ko nung highsng highchool Basta andami naming
pinagdaanan nito, problema naming sa sarili, sa pamilya at sa mga lovelife
namin. Masaya ako na minsan sa buhay ko may mga taong hindi bumitaw sa akin
kahit na andun na ako sa pinakamababang point sa buhay ko. At kayo yun PEKS,
Salamat.
TUSIKS
(Kulang yung picture,
wala kasi akong makita na kumpleto kami.)
Sa lahat ng naging
section ko, eto yung pinakamahal ko. Transparent ako sa mga ito kasi halos
lahat alam nila tungkol sa akin. Panatag yung loob ko sa kanila sa hindi ko
malamang dahilan. Andami kong natutunan sa mga taong ito. Kahit na may
kanya-kanya kaming grupo, nagagawa padin naming magkaisa bilang isang buong
section. Tingin ko, ang nagpatibay lang sa samahan ng section na ito ay hindi
lang yung problemang dumaan kundi pati na rin yung matinding pagmamahal naming
sa isa’t – isa.
WAPATU
Halos buong BSN24 life
ko, etong mga taong to hang kasama ko. Sabi nga nila Solid 26 kami, kasi kami
lang yung galing sa section 6 na palagi padin magkakasama kahit na nareshuffle
kami sa 24. Isang beses ko lang naexperience makasama ng wagas itong group na
ito sa project naming sa Nutrition. Bilang gusto talaga naming magpaimpress dun
sa Prof na yon, ginawa naming lahat at super nagenjoy kami kahit sobrang pagod
ang inabot naming sa paglalakad sa binondo para maghanap ng damit at
magovernight para magluto. The Best!
DPMS + Max
Original DPMS Simon, Mads, Me, Prince
DPMS + Max. Maxwell, Mads, Simon, Me, Prince
Friends ko na itong mga
toh nung 26 pa kami pero mas naging close kami kung kelan hiwa-hiwalay na kami
ng section. Masaya ko kapag kasama ko tong mga taong ito. Every second counts
talaga, kasi every second tatawa ka. Saka sila yung mga taong, malayo man sayo,
alam mong aasahan mo. Alam mo na “kaibigan” mo sila, kasama mo man sila o
hindi.
Triple M + G.
(THESISMATES)
(L-R) Rona, Lourds, Kevin, Me
Naging madali yung thesis
dahil sa mga taong ito. Ansarap nila kasama saka nahihiya ako sa kanila kung
tatamad tamad ako. Ang sipag kasi nila. AT nagtiwala sila sa akin na kaya ko.
Salamat guys. Hindi ko kakalimutan ang wagas na experience ko sa thesis natin.
Kahit minsan may hindi pagkakaunawaan, sobrang proud padin ako. Sa inyo. Sa
thesis natin. :)
RONA, darling ikaw na
yata yung pinakaresponsableng taong nakilala ko. lahat ng ibigay sayo
maaccomplish mo. Grabe. Sobrang hangga ako sa talino mo. Kasi napagsasabay mo
ang gala at pag-aaral. Hinahangaan kita, gusto kong malaman mo yan. Salamat sa
pagtitiwala mo sa akin.
LOURDS, bespren alam ko
may mga bagay na hindi tayo nagkakaintindihan pero nagpapasalamat padin ako sa
MAS maraming bagay na pinagkakaintindihan natin. Salamat kasi nakilala mo ko ng
husto at pinakilala mo din sa akin yung totoong ikaw. Mahal kita. Lamoyan!
KEV, sobrang gwapo mo!
ikaw na. pero joke ko lang un, ikaw, hindi kita makakalimutan. sa nangyaring
alitan sa atin dati, dun ko yata mas nakilala ng husto yung siang kevin
gelbolingo at dahil dun napalapit ako sayo.
BANGITIS
Eto, ang favourite at
super love kong RLE. As in super duper talaga! Wala akong masabi. Kasi sobrang
PERFECT ng group na ito. Sobrang wala ka ng hihilingin pa. Kasi may matalino,
magaling kumanta, magaling sumayaw, mabait, bait-baitan(ako un), at higit sa
lahat ang pinagmamalaki ng group naming yung sobrang gwapong si Ian at Tano.
Hindi kami nauubusan ng kwento. At ng nakakatawang banat. Lahat kasi kami
nakakatawa! HAHA. Basta hindi ko maexplain, pero mahal ko itong group na ito.
Sagad sa Bones!
SENSITIVES
Karamihan sa mga ito ay
bangitis friends ko din. HAHA. Si Gelo lang yata yung nadagdag. Sobrang kulit
lang ng group na ito. Kami yung plano ng plano tapos walang natutuloy. Lam mo
un! HAHAHA. Nagkaroon ako ng gap sa group na ito pero at least kahit papano naayos
na. At super thankful ko kasi sobrang miss ko sila nung panahon na un at super
miss din daw nila ako. Worth it pumasok kapag kasama mo ung mga toh. Wala kang
sasayangin na oras kasi matatapos mo yung requirement mo. Makakapag aral ka.
(Kahit di naman ako nag-aaral) Basta, siguro eto yung group na matatawag kong
RESPONSIBLE kahit na minsan mas inuuna naming yung katamaran namin pero basta
responsible kami. Blog ko toh. Walang kontrahan.
HAHAHA. Masyadong mahaba
noh? Medyo emotional kasi ako ngayon lalo na kakatapos lang ng clinical
graduation namin. Iniisip ko kasi kung kelan ko ulit makakasama yung mga taong
ito?o makakasama ko pa kaya sila? Matatandaan pa kaya nila ako kapag mga Doctor
or Nurse na sila? Sana OO,
kasi ako, habang buhay nasa puso ko yung mga taong ito.
with
love, DYS.
Comments
Post a Comment