FIRST TIME.
EHH KASI NGA FIRST TIME
KO!!
Okay. Finally, sa sobrang
daming plano na pupunta ng Manila. Eto na, natuloy na. Na kaming dalawa lang.
Tas byahe pa. Nung una parang ayoko, kasi si mama ayaw ako payagan dahil
kakagaling ko lang sa sakit. Medyo nilalagnat ako kahapon, kaya un! Pinapahiram
niya sa amin yung car kaya lang ayaw daw maipit ni Oman sa traffic kaya
gorabells pa din kahit na sa byahe lang. Dumaan muna ko sa school para
magpasukat ng TOGA!! Ohyess. Graduating na talaga. OKAY HAHA. Mga 9AM na kami
nagkita sa Waltermart Dasma. Ayun, sumakay na kami ng bus papuntang Pasay. Sa
totoo lang, hindi ko alam kung saan kami bababa, pero alam ko naman ung lugar,
sobrang hindi lang talaga ako marunong magbyahe sa manila. Medyo nagka-BV-han
pa sa bus kasi may dalang yosi si Oman, na ayaw ko >.< Kainis lang!!
Ayun, pagkababa naming sa pasay, diretsyo Mcdo bumili ng food. Dahil sa sobrang
excited ko sumakay ng MRT, nitake out ko na lang yung food namin. Eto na,
papili na sa MRT.
HAHA excited much
talaga ko. Alam naman ni Oman na hindi pa ko nakakasakay dun, first time ko. So
para ibully ako, kailangan niyang sabihin sa akin ng malakas yung ganito,
“FIRST TIME MO DIBA? KUMAPIT KA, BAKA MAHULOG KA.” Kasi kainis naman! Hindi
lang sa sinabi niya. Nung una kasi, nakaupo na kami tapos biglang sabi lumipat
daw dun sa kabilang MRT, BV lang!! Eh di puno nay un pagkalipat naming, kaya
nakatayo na kami. So yun, wala pang pinanganak na gentleman sa mga nakaupo kaya
medyo tiis ako. Nung una, hindi pa ko naniwala na madadala pala ako kapag
umandar na yung MRT, kaya hindi ako kumapit, tapos biglang umandar!! BONGGA!
Buti hindi ako nahulog at nagpagulong-gulong dun! HAHAHA. From Taft Avenue
Station to Santolan-Annapolis Station.
Bandang Ortigas
nung nakita naming yung SM Megamall. Binibiro ako ni Oman na bumaba na kami,
pero alam kong ayaw niya kaya nagbehave na lang ako. Pagdating ng Santolan
Station, mga 1045, Wala kaming mapagtambayan kasi 1PM pa makikipagkita yung
supplier ko. Kaya nagdecide kami na bumalik ng Ortigas. HAHAHA. So ikot nanaman
kami, akyat-baba-lakad. Antay ulit ng MRT. Mga tatlong MRT na yung lumampas
kasi puno palagi kaya bago pa kami makasakay. Pagdating sa Megamall, nag-iisip
na kami ng kakainin. Sabi ni Oman, gusto daw niya Tokyo-Tokyo. Eh di gorabellss
naman kami dun. Pag upo namin, sabi niya “FIRST TIME KO KUMAIN DITO” HAHAHA
super LOL-ing talaga ko. HAHA kaya inorderan ko siya ng madami dahil treat ko
naman at natuwa ako dahil first time niya HAHAHA.
Pagkatapos naming
kumain, ikot-ikot-akyat-baba-lakad lang ang ginawa naming. Niyakag ko siya
bumili ng DQ kaya lang may ubo ko kaya hindi siya pumayag. Nagpunta din kami sa
Forever 21, pero wala naman akong nagustuhan kaya umalis din kami agad. Buti na
lang malapit na mag-1 PM nun, Nagdecide kaming lumabas na, hindi namin makita
yung una naming pinasukan, kasi FIRST TIME NAMIN sa Megamall HAHA ewan ko,
nadala na ata ako ng nanay ko dun pero bata pa ako, ganun din siya. HAHA Malay
ba namin. SORRY taga probinsya eh! HAHA. Ayun, so nagdecide na kami magtaxi
kahit super mahal. Si Manong Driver super chika sa amin, hindi naming namalayan
na nasa Marikina na kami, kaya kinabahan na ako, kasi parang hindi naman sa may
Marikina yung SANTOLAN station na pinuntahan naming kanina. Yun pala, mali
talaga kami ng unang station na pinuntahan. Tama yung lugar na pinagdalahan sa
amin nung taxi driver. Bongga langs!! Pero napamahal padin kami, okay lang kasi
mabango naman yung kotse niya! Finally, nakuha ko na yung mga shoes na order sa
akin, tapos makakauwi na din kami kaya lang hindi na namin alam pauwi. Buti na
lang magaling magtanong si Oman. Kaya from LRT Santolan(super luwag) to Araneta
Cubao Station, nakaupo kami ng bongga, tapos pagbaba naming, naglakad kami ng
super haba. GATEWAY MALL, GREENPLAZA MALL ATA?? At may isang mall pa kaming
dinaanan para marating ung MRT 3.
Okay naman ang byahe naming hanggang makauwi sa Cavite. Kaloka lang. Daming tampuhan at kaartehan. Pero worth it yung mga FIRST TIMESSSS NAMIN! Kakatuwa! Had a great day today! Super!!
With love, DYS. ♥
Comments
Post a Comment