Day 1 of 366.


January 1, 2012.

Dapat sa MOA kami magcountdown for 2012 pero hindi na kami tumuloy kasi gabi na nung nagplano sina mama. Tumalon ako pagpatak ng alas-dose. Kasi umaasa pa kong tumangkad kahit papano. :) Saka nakasanayan ko na din na tumalon lalo na kapag masaya. Hindi ko inaasahan, maya-maya ngring ung cellphone ko. May tumatawag. Lalake. Bumati siya saken ng Happy New Year. Pagkatapos ng putukan sa labas, kumain na kami ng pamilya ko. Saka dumiretsyo sa pagtulog. 

Dapat gigising ako ng 530 ng umaga para sumama sa reunion ng pamilya nung lalakeng sumama sa akin kanina. Kaya lang, gumising nga ako ng maaga ngunit nagdesisyon siya na hindi na ako isama. :) Okay lang. Niyakag ko na lang sina Mama na magsimba kami.

Umalis kami ng bahay ng 9 ng umaga. Nagsimba muna kami sa Tagaytay tapos diretsyo kina Tito Nonic, nagsnack saglit then punta na sa babuyan nina Papa HAHA. Dun kami ng lunch. Ankuleeet lang ng mga bata. Dahil birthday ko naman bukas, niyaya ko si Papa na dumaan kami ng paLemery. Para sa may Fantasy World ung daan namin. Ehh aun, pagdaan namin. Picture lang dapat sa labas, pero nung nalaman namin na pede pumasok kahit hindi member. GORA na sa loob. :) SUPER SAYA LANG TALAGA NG FIRST DAY OF 2012 KO. Thank you kay MAMA, PAPA at TITO sa pagfinance ng napakasayang araw na ito. Kala ko masisira na nung umaga, pero hindi ako nagpapigil. Nagpakasaya padin ako. :)) Good Vibes 2012. :))



PS eto ang pinakaunang post ko sa blog na ito. Sana maging active ako :))

With love, DYS.


Popular Posts