After Day3. 1st week.



Hayyy. Balik duty nanaman ako. #BuhayNursingStudent. Wed (Operating Room), Thur and Fri (Recovery Room). Medyo boring lang kasi ang konti ng cases. Kaya super tamad mode sa OR pero nagkacase naman ako kahit papano. Pinili ko kasing elective ito. Ayoko kasi talaga sa ward lalo na sa ICU. Kasi nttrauma ako sa Mechanical Ventilator, lalo na kapag nag alarm na, :( Saka kapag nagssuction ako (naglilinis) ng endotracheal tube(tubo na pinapasok sa may airway ng tao), naaaawa ako sa patient. Kasi yung iba umiiyak, napapaluha o kaya napapapikit na lang sa sakit. L Kaya pinili ko ang OR at least operation lang walang medyo mahirap na management although yung ibang patient naa ET din kasi nakageneral anesthesia, pero hindi ko naman kailangan linisin un duting operation. Saka amaze din ako sa mga parts ng katawan pati ung mga dugo kapag inooperahan na. J Weird lang. HAHA.
Ayun sa sobrang benign nga ng duty, tumulong na lang kami ng partner ko na magbalot ng mga instruments, somehow may natutunan naman ako, ang pagkakaiba ng Schnidz at Kelly. J Type ng clamp yan. OR instrument.
At dahil nga SOBRA ANG PAGKABENIGN, nagutom ako. as usual, wala naman akong ibang ginagawa kundi kumain kapag naboboring, nagcrave ako ng doughnuts. Buti na lang may dalang Krispy Kreme si Sir Onil(staff nurse) at walang kaabog-abog na binigyan niya ko. :)


Tapos ngayon habang nagbblog ako, may nagcomment ng SEXY sa picture kong ito sa facebook.


Kpowhs. Arte ko lang HAHA :)
Goodnight. Duty nanaman bukas. KATAMAD LANG!



With love, DYS. 


Comments

Popular Posts